CAUAYAN CITY – Isinagawa ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) ang peace rally kontra sa iligal na droga at terorismo.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni PCol. James Cipriano, provincial director ng IPPO na ang isinagawa nilang mural paintings ay bahagi ng kanilang kampanya kontra iligal na droga at terorismo.
Makikita ito sa bakod ng Camp Lt. Rosauro Toda Jr. sa lunsod ng Ilagan.
Lumahok dito ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) dahil sa kanilang suporta sa kampanya ng pulisya laban sa iligal na drogra at terorismo.
Katuwang nila ang Philippine Army pangunahin na ang 86th Infantry Battalion, provincial director ng DILG Isabela, presidente at vice president ng KKDAT Isabela.
Ayon kay PCol Cipriano, ang peace rally ay sumisimbolo ng pagkakaisa ng bawat kabataan at mga awtoridad para matuldukan na ang iligal na droga at terorismo sa bansa.












