--Ads--

CAUAYAN CITY– Umabot sa 17 Filipino owned corporation ang nagsumite ng aplikasyon para sa dredging ng ilog Cagayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Governor Manuel Mamba ng Cagayan, sinabi niya na mismong ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang nakipagkasundo sa mga privately owned dredging corporation sa bansa para sa dredging ng ilog Cagayan.

Sa ngayon ay 7 na ang kuwalipikado sa 17 private dredging corporation na nag-apply dahil ang iba ay hindi pa kumpleto ang papeles.

Aniya, hindi basta-basta ang mga korporasyon na ito dahil aabot sa bilyong piso ang kanilang capitalization at titignan din ang kanilang kakayahan sa pagsasagawa ng dredging.

--Ads--

Wala naman aniyang gastos dito ang pamahalaan sa halip ay ang mga dredging corporation pa ang magbabayad ng buwis sa national at local governments.

Ayon sa kanya, malaki ang magiging pakinabang ng mga dredging corporation na ito sa makukuhang buhangin sa ilog dahil ito ay mga magandang gamitin sa imprastraktura.

Mayroon naman aniyang binuong monitoring team ang pamahalaan para matiyak na susunod sila sa napagkasunduan.

Ang bahagi ng pahayag ni Gov. Manuel Mamba ng Cagayan