--Ads--

CAUAYAN CITY– Naitala ngayong araw sa Isabela ang 18 panibagong kaso ng COVID-19.

Sa inilabas na abiso ng pamahalaang panlalawigan, 7 sa mga bagong kaso ay ay sa Santos Tomas, tatlo sa Ilagan City, tig-dadalawa sa Cabagan at lunsod ng Cauayan habang tig-iisa sa Naguilian, Quezon, San Mariano at Tumauini.

Bumaba naman sa 411 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Isabela dahil sa 46 na gumaling.

Isa ang Returning Overseas Filipino, 9 ang non-authorized persons outside residence, 18 ang Health Worker, 19 ang pulis at 364 ang mula sa local transmission.

--Ads--

Muling pinaalalahanan ng pamahalaang panlalawigan ang publiko na sundin ang mga alituntunin at huwag lumabas sa tahanan kung hindi kinakailangan.