--Ads--

CAUAYAN CITY– Naitala ngayong araw sa Isabela ang 29 na panibagong kaso ng COVID-19.

Sa inilabas na abiso ng pamahalaang panlalawigan, 18 sa mga bagong kaso ang mula sa Cabagan, tig-tatatlo sa Ilagan City at Sta. Maria, dalawa sa Naguillian habang tig-iisa sa lunsod ng Cauayan, Roxas at San Pablo.

Walo naman ang naitalang recoveries at nasa 438 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Isabela.

Labing isa ang locally stranded individuals, 17 ang health workers, 7 ang pulis at 393 ang mula sa local transmission.

--Ads--

Muling pinaalalahanan ng pamahalaang panlalawigan ang publiko na sundin ang mga alituntunin at huwag lumabas sa tahanan kung hindi kinakailangan.