--Ads--

CAUAYAN CITY – Naitala ngayong araw  ang 92  bagong nagpositibo sa COVID-19 sa 2 lunsod at 10 bayan sa Isabela.

Dahil dito ay umakyat na sa 853  ang mga aktibong kaso habang 79 ang mga gumaling.

Ang mga bagong COVID-19 positive ay naitala sa Santiago City na 39, ang bayan Roxas 20, Quirino 10, Echague 6,  Cauayan City 5,  Luna 3, Cordon 2, Angadanan 2, Ramon 2 at tig-iisa ang mga bayan ng San Isidro, Alicia at Tumauini.

Sa mga aktibong kaso ay isa ang Returning OFW, 19  ang Locally Stranded Individual (LSI), 127 ang mga health workers, 23 ang mga pulis at 680 ang local transmission.

--Ads--

Sa kabuuan ay  umakyat na sa 6,227 ang nagpositibo sa COVID-19 sa Isabela, 5,302 ang mga recoveries habang 122 ang nasawi.

Patuloy ang paalala sa publiko ng pamahalaang panlalawigan na sumunod sa mga health protocol at huwag lumabas sa bahay kung hindi mahalaga ang gagawin sa labas para maiwasan ang COVID-19.