--Ads--

CAUAYAN CITY – Naitala ngayong araw  ang 80  na bagong nagpositibo sa COVID-19 sa tatlong lunsod at pitong  bayan  sa Isabela.

Dahil dito ay umabot sa 848  ang mga aktibong kaso habang 114 ang mga gumaling.

Ang mga bagong COVID-19 positive ay naitala sa Roxas, Isabela na 39, Lunsod ng Santiago na 12, Cauayan City 8, Alicia 7, Delfin Albano 5, Sta. Maria 4, City of Ilagan 2,  tig-iisa ang mga bayan ng Luna, Angadanan at Echague, Isabela.

Sa mga aktibong kaso ay 1 ang Returning Overseas Filipino,  18  ang Locally Stranded Individual (LSI) , 126 ang mga health workers, 24 ang mga pulis at   ang local transmission ay 679.

--Ads--

Sa kabuuan ay  umakyat na sa 6,412 ang nagpositibo sa COVID-19 sa Isabela, 5,441 ang mga recoveries habang 123 ang nasawi.

Patuloy ang paalala sa publiko ng pamahalaang panlalawigan na sumunod sa mga health protocol at huwag lumabas sa bahay kung hindi mahalaga ang gagawin sa labas para maiwasan ang COVID-19.