--Ads--

CAUAYAN CITY – Karaniwang nararanasan ngayong may COVID-19 pandemic ang kawalan ng trabaho, kalungkutan at problema sa relasyon na humahantong sa depresyon ng ilang tao.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Sherwin Ballad, registered Psychometrician at mental health advocate, sinabi niya na ang mga taong nagplaplanong magpakamatay ay nagkakaroon ng tinatawag na “unusual behavior” at madalas na inihihiwalay ang sarili at ayaw makipag-usap sa mga miyembro ng pamilya.

Aniya kung napapansin ang naturang sintomas sa kapamilya, kaanak o kaibigan ay huwag mahiyang lumapit  sa mga pastor, madre, mental health advocate, doctor at nurses upang magawan ito ng aksiyon.

Ang tao na dumadaan sa naturang sitwasiyon ay kailangang bukas sa pakikipagtulungan sa mga psychologist at mental health advocates upang sila ay matulungan.

--Ads--

Isa sa mga pinakamabilis na makakatulong sa paggaling ng isang tao ay suporta ng kaniyang pamilya.

Pinayuhan ni Ginoong Ballad ang mga kapamilya, kaanak at kaibigan ng mga nakakaranas ng depresyon o may mental health problem na huwag silang husgahan dahil mas nagdudulot ito ng takot para sila ay hihingi ng payo mula sa mga dalubhasa.

Naniniwala  siya na sa pamamagitan ng Mental Health Law, ang lahat ng indibidual na nakakaranas ng mental health problem ay maproprotektahan.

Hinikayat niya ang mga nakakarans ng mental health problema na huwag matakot na sabihin ang kanilang nararamdaman, hindi rin kailangang ikahiya kung sila ay mapapabilang sa mga Person With Disability  (PWD).

Sa kanyang opiniyon, ang tao na kasalukuyang nasa isolation ay hindi dapat hinahayaang mag-isa habang naghihintay na matapos ang kaniyang 14 days na quarantine.

Kailangan din nila ng makausap na ibang tao na maaaring magbigay sa kanila ng pagkakataon na may ibang tinig na marinig na magbibigay ng kaluwagan sa kanilang kalooban.

Ang pahayag ni Ginoong Sherwin Ballad