--Ads--

CAUAYAN CITY– Naitala ngayong araw ng linggo sa Isabela ang 173 na bagong kaso ng COVID-19 habang 57 ang naidagdag sa mga gumaling..

Mas mataas ito sa naitalang positibo kahapon araw ng Sabado na 96.

Sa inilabas na abiso ng pamahalaang panlalawigan, pinakamarami pa rin ang lunsod ng Santiago na may 61, Alicia na 16, Roxas na 13, tig-sasampo sa Mallig, Ilagan City at Cordon, 9 sa Burgos, 8 sa Delfin Albano, 7 sa Cauayan City, tig-aapat sa Aurora at Cabagan, tig-tatlo sa San Agustin at San Mateo, tig-dadalawa sa Jones, Ramon, San Manuel, San Pablo at San Isidro habang tig-iisa samga bayan ng Echague,Quezon, San Mariano at Tumauini

--Ads--

Sa ngayon ay umabot na sa 8,043 ang tinamaan ng COVID-19 sa lalawigan ng Isabela, 6,608 ang gumaling, 1,327 ang aktibong kaso at 158 ang nasawi.

Sa mga aktibong kaso ay isa ang Returning Overseas Filipino,16 ang locally stranded individuals, 143 ang Health Workers, 40 ang pulis at 1,127 ang mula sa local transmission.

Muling pinaalalahanan ng pamahalaang panlalawigan ang publiko na sundin ang mga alituntunin at huwag lumabas sa tahanan kung hindi kinakailangan para makaiwas sa virus.