CAUAYAN CITY– Kinumpirma ng Gobernador ng Nueva Vizcaya ang pagpositibo niya sa COVID-19 kasabay ng pagsasailalim sa tatlong araw na temporary lockdown ang Provincial Capitol simula ngayong araw dulot ng pagtaas pa ng kaso ng mga tinatamaan ng Virus sa lalawigan .
Batay sa opisyal na kumpirmasyon ni Governor Carlos Padilla, kasalukuyan siyang nakaQuarantine at nasa maayos na kalagayan.
Aniya, siya ay nakakaranas ng mild symptoms.
Kasalukuyang isinasagawa ngayon ang contact tracing kaugnay sa mga maari nitong nakasalamuha.
Humingi naman ng dasal ang Punong Lalawigan sa publiko at hinimok na tumugon sa mga nakalatag na standard health protocols.
Sumasailalim na rin ngayon sa Home Quarantine ang mga kawani ng provincial capitol compound at mahigpit na ipagbabawal ang pagsasagawa ng recreational activities hanggang sa April 11, 2021.
Samanatala, unti-unti ng bumubuti ang kalagayan ni Vice Governor Jose Tam-An Tomas Sr. matapos rin siyang tamaan ng COVID-19 virus.
Sa kaniyang social media post siya ay kasalukuyang sumasailalim sa Quarantine at bumuti na ang kalagayan.
Matatandaan na nauna ng napaulat ang pagkasawi naman ni Sangguniang Panlalawigan Member Dr. Cirilio Galindez, dating Medical Center Chief ng Veterans Regional Hospital na ngayon ay Region 2 Trauma and Medical Center ( R2TMC) ilang araw matapos magpositibo siya sa Virus.










