--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasawi ang isang guro matapos umanong magbigti sa Lingaling, Tumauini, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, dakong hapon nang magtungo ang 41 anyos na guro sa kanilang kuwarto kasama ang kanyang 4 anyos na anak bilang bahagi ng kanilang daily routine.

Pagkatapos ng ilang oras ay dumating ang kanilang kasambahay at nang magtungo sa  kuwarto ay nakita niya ang katawan ng guro na nakabitin gamit ang isang t-shirt sa pintuan ng isang built-in cabinet.

Dinala pa sa Tumauini Community Hospital ang guro ngunit idineklarang Dead-on-Arrival (DOA) ng kanyang attending physician.

--Ads--

Inaalam pa ng mga otoridad kung ano ang dahilan ng pagpapakamatay ng guro.