--Ads--

CAUAYAN CITY– Nakapagtala ng isang daan at walumpu’t siyam na panibagong kaso ng COVID 19 ang buong Lalawigan ng Isabela mula sa 22 bayan sa Isabela

Sa kasalukuyan may 2,348 province wide active cases na ang buong Isabela,mula rito 19,564 ang accumulative cases mula ng magsimula ang pandemya.

Umabot na sa 551 ang COVID-19 related deaths matapos maitala ang 8 panibagong COVID death.

Sa kabila ng mga panibagong kaso sumipa na sa 16,665 ang kabuuang recoveries kung saan 254 ang newly recovered.

--Ads--

Batay sa talaan ng Provincial Information Office nangunguna parin ang Lunsod ng Santiago na may 29 na panibagong kaso.

Sinundan ng bayan ng Gamu na may 28 , Lunsod ng Cauayan na may 20, Aurora na may 19, Bayan ng Jones at Roxas na may 17.

Mababa naman ang naitala ang naitalang panibagong kaso sa mga bayan ng Cabatuan na may 9, Cordon na may 8, San Agustin na may pito, Echague na may 6, Alicia, Burgos at Cabagan na may Tig-lima,Naguilian na may 3, Angadanan, San Mateo, Santo Tomas at San Mariano na may tig-2 kaso habang may tig-iisang kaso ang Mallig, Ramon at San Manuel.

Hindi naman nakapagtala ng kaso ng COVID 19 ang 16 na bayan at Lunsod tulad Benito Soliven, Delfin Albano, Dinapigue, Divilacan, Ilagan City ,Luna, Macunacon, Palanan, Quezon, Quirino, Reina Mercedes, San Guillermo, San Isidro, San Pablo, Sta. Maria at Tumauini.