--Ads--

CAUAYAN CITY– Ipinasakamay na sa Cauayan City Police Station ang isang miyembro na dinakip sa entrapment operation ng Regional Integrity Monitoring Enforcement team (RIMET) ng Police Regional Office 2 (PRO2 ) dahil sa reklamong extortion o pangingikil.

Ang suspect ay si PMSgt. Sherwin Gamit, warrant server ng Cauayan City Police Station.

Kaninang alas diyes ng umaga nang huliin ng mga kasapi ng RIMET ng PRO2 si Gamit sa isinagawang entrapment operation sa Poblacion area malapit F.L. DY Coliseum.

Hinarang ng puting sasakyan ang sasakyan ng pulis at nakarinig ng putok ng baril ang mga residente malapit sa lugar.

--Ads--

Nakuha sa sasakyan ni Gamit ang isang Cal. 38, isang Caliber 45 na baril at boodle money na umaabot sa Php300,000.00.

Nakuha rin sa kanyang sasakyan ang kanyang uniporme at case folder.

Maaring bukas ay sasampahan ng kasong criminal at administratibo ang nasabing pulis.

Samantala, naging matipid ang sagot ng suspect sa katanungan ng Bombo Radyo Cauayan at kanyang sinabi na “biktima lamang ako dito” at hindi na sinagot ang mga susunod na katanungan.