--Ads--

CAUAYAN CITY– Pinaghahanap pa rin ng mga otoridad ang mag-ama matapos maaksidente sa Cabagan-Santa Maria overflow bridge.

Ang mga pinaghahanap ay si Roberto Deray Sr., 44 anyos, nakasuot na brown short at blue jacket at ang anak na Roberto Deray Jr., 19 anyos, nakasuot ng black and white short at brown T-shirt habang nakaligtas naman si Lucia Deray, 41 anyos, pawang residente ng Catabayungan, Cabagan, Isabela

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PMajor Rogelio Natividad, hepe ng Santa Maria Police Station na papauwi na ang magkakapamilyang biktima sakay ng Honda Wave at sinasabing nasa impluwensiya ng alak ang tsuper na si Roberto Sr. nang mawalan ng kontrol sa manibela at aksidenteng nahulog ang mga biktima kasama ang sinakyang motorsiklo sa ilog .

Masuwerte namang nakatalon si Ginang Lucia Deray bago mahulog ang kanilang sinakyang motorsiklo at kanyang mag-ama sa ilog .

--Ads--

Magkatuwang ang mga kasapi ng Santa Maria Police Station, Cabagan Police Station katuwang ang MDRRMC sa paghahanap sa mag-amang biktima.

Bahagi ng pahayag ni Police Major Rogelio Natividad