CAUAYAN CITY – Tinulungan na ng Hong Kong Government ang mga Overseas Filipino Workers na tinamaan ng COVID-19 habang ang iba ay tinutulungan na ng konsulada ng Pilipinas para makauwi sa bansa.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Jacquie Aquino, OFW sa Hong Kong na binigyan ng ayuda ang mga nagpositibo sa virus at binigyan din ng mas magandang tirahan habang ginagamot ang mga COVID-19 patient na OFW.
Sinabi ni Aquino na ang mga na-terminate na OFW ay tinutulungan ng Konsulada ng Pilipinas.
Sinabi ni Aquino na kapag ang isang OFW ay under-contract pa lamang at tinerminate ng kanilang amo ay magmumulta ng 100,000 Hong Kong dollars sa ilalim ng kanilang batas ang mga employer
Kahapon anya ay mayroong naitalang 18,000 na panibagong kaso ng COVID-19 sa Hong Kong
Sa ngayon ay pinaaalalahanan ang mga OFW na mag-stay at home at huwag na lamang lumabas sa kanilang day-Off.
Nagbibigay na rin ng impormasyon ang OWWA at Phil. Embassy sa mga OFW kung ano ang dapat gawin kapag tinamaan ng virus.











