--Ads--

CAUAYAN CITY– Nagtala ang Office of the Civil  Defense o OCD region 2 ng anim na katao na nalunod sa limang bayan sa Cagayan sa panahon ng Semana Santa.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Sunshine Asuncion, Information Officer ng OCD region 2 na   nagtala ang bayan ng Lasam ng isang nasawi dahil sa pagkalunod noong April 12, 2021  habang noong April 15, 2022  ay isa sa  bayan ng Allacapan, dalawa sa Solana at isa sa bayan ng Penablanca.

Ngayong araw  ay   may isa namang naitalang nalunod sa Santa Ana,  Cagayan.

Inihayag ni Asuncion na  ang nalunod sa  Santa Ana, Cagayan ay naganap  matapos nitong iniligtas  ang kanyang anak at pamangkin ngunit siya naman ang nalunod.

--Ads--

Kaagad namang natagpuan ang mga bangkay ng mga nalunod maliban na lamang sa dalawang nalunod sa Solana na kahapon lamang natagpuan ang mga katawan sa bayan ng Amulong at Natapian, Solana, Cagayan.

Ang mga nalunod ay kinabibilangan ng dalawang babae at apat na lalaki  

Sinabi ni Asuncion na ang mga biktima ay nalunod habang nasa mga ilog  dahil nakaugalian na ng Semana Santa na lumalangoy ngunit aksidenteng nalulunod.

Samantala, inihayag pa ni Sunshine Asuncion, Information Officer ng OCD region 2 na  nakapagtala  sila  ng vehicular accident sa buong rehiyon dos maliban sa Batanes na umaabot sa dalawamput walo, tatlumput walo ang nasugatan habang walang naitalang nasawi.

Mananatili sa red alert status ang OCD hanggang bukas araw ng Linggo at  sa  araw ng Lunes ay ilalagay na sa  blue alert  status.

Bahagi ng pahayag ni Sunshine Asuncion, Information Officer ng OCD region 2