CAUAYAN CITY– Naisampa na ang kasong murder laban sa suspect na bumaril at pumatay kay Lea, 33 anyos, nagtatrabaho bilang GRO sa isang KTV bar at residente ng Zone 3, San Mariano, Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PCol. Julio Go, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO na naisampa na ang kaso laban sa suspect na naging costomer ng biktima.
Lumabas sa kanilang pagsisiyasat na tatlong araw bago ang pagpatay ay mayroong nakaaway ang biktima kung saan pinukpok nito ng bote ang suspect.
Samantala inihayag pa ni Col. Go na mayroon na rin silang person of interest sa pagbaril at patay sa truck driver na si Danilo Bramaje, residente ng Gappal, Cauayan City.
Sinabi pa ni Provincial Director Go na patuloy ang kanilang Anti criminality activities tulad ng pagpapatrolya at titiyakin na hindi na mauulit pa ang mga sunod sunod na krimen na nangyari sa Isabela.