--Ads--

CAUAYAN CITY– Mahigit  Php36,000.00   na halaga ng shabu ang nasamsam sa pag-iingat ng tatlong lalaki sa isinagawang  magkahiwalay na anti illegal drug buy-bust operation sa Bambang, Nueva Vizcaya.

Sa nakuhang  impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, dinakip sa  NVAT Compound, Barangay Almaguer North, Bamban  ang mga pinaghihinalaan  na sina John Michael  Flores  alyas Makol,32 anyos, binata, isang Driver  at si  Crisenciano Dela Cruz, 22 anyos,   isang helper at kapwa residente ng Bambang, Nueva Vizcaya

Nabili umano  ng mga kasapi ng Provincial Drug Enforcement Unit  sa mga pinaghihinalaan ang isang sachet ng hinihinalang shabu na nakuha  sa pag-iingat ng mga suspek.

Nakuha rin sa pag-iingat ng mga pinaghihinalaan  ang 9  na small heat sealed transparent plastic sachet ng  hinihinalang  shabu, mga drug paraphernalia, pitaka na  naglalaman ng pera, isang kaha ng sigarilyo, dalawang android phone at ang minamanehong forward truck;  

--Ads--

Samantala,  nasamsaman din ng illegal na droga si  Romeo Macabadbad, 63 anyos,  may asawa, isang, driver at residente ng Bayombong, Nueva Vizcaya.

Nabili umano kay Macabadbad  isang sachet ng hinihinalang  shabu kapalit ng isang libong piso na nakuha sa pag-iingat.

Karagdagan pang  dalawang sachet ng shabu, mga drug paraphernalia,  android phone at isang Kotse ang nasamsam sa pinaghihinalaan

Nasa  4 na gramo ng shabu ang nasamsam sa  mga suspek na tinatayang mahigit tatlumput anim na   libong piso ang halaga.

Ang tatlong pinaghihinalaan ay  mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act  9165 (Comprehensive Dangerous Drugs act of 2002) na nasa pangangalaga na ng  Bambang Police Station..