
CAUAYAN CITY– Kaisa ang Isabela Provincial Tourism Office sa pagpapalaganap ng kamalayan sa kahalagahan ng pagdiriwang sa araw ng kalayaan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Troy Alexander Miano, local historian at kasalukuyang provincial tourism officer ng Isabela, sinabi niya na mahabang panahon ang ginugol ng ating mga ninuno at mga bayani upang makamit ang kasarilan at sariling pagkakakilanlan ng ating bansang Pilipinas.
Ang mahalagang malaman pangunahin ng mga kabataan ang tunay na diwa sa paggunita ng araw ng kalayaan at kung bakit ito idinedeklara bilang National Holiday.
Ayon kay Dr. Miano maraming mga kabataan ngayon ang nagagalak dahil kadalasang walang pasok ang ika labing dalawa ng Hunyo subalit hindi nila alam ang dahilan o kahalgahan sa pagunita ng Independence Day.
Ang kasarinlan na tinatamasa ngayon ng bawat Pilipino at ng buonog bansa ay maaaring mawala sa kamay ng mga dayuhang mananakop kaya payo ni Dr. Miano sa bawat pilipino na maging mapagmatyag pangunahin sa mga usaping panlipunan.
Maliban sa mga pambansang bayani ay ginugunita rin ngayon ang kabayanihan ng mga tinaguriang Local heroes na may malaking ambag rin sa tinatamasang kasarinlan ng bawat Pilipino.
Isa rito ay si Manuel Tomines na isa rin sa mga nakibaka laban sa mga hapon at kalaunan ay binitay ng siya ay madakip sa Palanan, Isabela.
Kinikilala rin ngayong araw ang kabayanihan ni Lt. Rosauro Toda Jr. Na nasawi dahil sa pakikipag laban sa mga rebeldeng New Peoples Army sa ones, Isabela.










