CAUAYAN CITY– Natalo man si Pinoy boxer Donnie Nietes sa rematch nila kagabi kay Kazuto Ioka ay buo pa rin ang suporta sa kanya ng mga Pilipino sa Japan .
Inihayag ni Bombo International News Correspondent Bojo Obligacion na nakausap niya si Nietes pagkatapos ng laban at sinabing hindi umubra ang kanilang game plan .
Sinabi sa kanya ni Nietes na pagkatapos ng laban na bumilis at lumakas ang resistensiya ni Ioka kaya hindi gumana ang kanilang game plan.
Nagtiwala aniya si Nietes na kayang-kaya pa rin niya si Ioka dahil tinalo niya sa kanilang unang laban.
Inamin din ni Nietes na ininda niya ang suntok sa kanya ni Ioka malapit sa kanyang atay at sa kanyang mga kilay.
Dahil sa edad ni Nietes na apatnapu ay bumagal na ang kanyang speed kumpara noong siya ay bata pa.
Gusto pa ring lumaban sa boksing ni Nietes ngunit depende sa magiging plano ng kanyang manager at promoter.
Samantala, gumagaling at lumalakas ang mga boksingerong Japanese dahil todo ang suporta ng pamahalaang Japan sa kanilang training.
Namumuhunan sila para mapagaling ang mga boksingerong Hapon sa pamamagitan ng pagkuha nila ng mga dayuhang trainor.