--Ads--
CAUAYAN CITY– Umabot na sa 23 ang Firework-Related Injury sa buong Region 2
Ito ay matapos sampung karagdagang kaso ng pinsalang nauugnay sa paputok mula 6:00 AM ng December 31, 2022 hanggang 5:59 AM ng January 1, 2023.
Ang pinagsama-samang bilang ng mga kaso para sa 2022 ay umabot na sa 23 kaso na 32% na mas mababa kaysa noong 2021 na may 34 na kaso.
Karamihan sa mga biktima ay lalaki na edad isa hanggang 43 anyos taong gulang
--Ads--
Batay sa fireworks related injury surveillance 2022 ng DOH Region 2 ang lalawigan ng Cagayan ang nagtala ng pinakamaraming fire related injuries.
Sampo sa mga biktima ay nagtamo ng eye injury at 30% ng fire related injuries ay dahil sa boga at kwitis.