CAUAYAN CITY -Hinihinalang nalunod ang isang binata na nawawala sa bayan ng San Isidro na natagpuang wala nang buhay at nakitang palutang-lutang sa ilog Ganano sa Brgy. Gumbaoan, Echague, Isabela.
Ang biktima ay si Avenson Nares, 18 anyos , binata, may kapansanan sa pag-iisip at residente of Purok 1, Brgy. Gomez, San Isidro, Isabela.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PMajor Rogelio Natividad, hepe ng Echague Plice Station na itinawag sa kanilang tanggapan ang pagkakatagpo ng bangkay ng isang lalaki na kaagad nilang tinugunan kasama ang rescue team.
Nakipag-ugnayan din sila sa PNP San Isidro dahil mayroong ipinalabas na flash alarm na may nawawala sa kanilang nasasakupan.
Napatunayan anya nila na ang nawawalang tao sa San Isidro ay ang natagpuang wala ng buhay sa ilog ganano.
Lumabas sa kanilang pagsisiyasat na nalunod ang biktimang nauna nang naiulat na nawawala noong ikatatlo ng Enero.
Sa paghahanap ng pamilya ng biktima ay nauna nang nakita ang gamit na bisekleta sa tulay sa boundary ng bayan ng San Isidro at Fugo, Echague.