CAUAYAN CITY – Natangayan ng pera at mga cellphone ang dalawang kawani ng isang delivery service company matapos maholdap sa barangay Upi, Gamu, Isabela
Ang mga biktima ay sina Alberto Reyes, 45 anyos, may-asawa, company driver, residente ng Union, Cauayan City at June Atuan ,may-asawa, sales representative, residente ng Brgy. Paddad, Alicia, Isabela
Ang mga suspect ay dalawang lalaki na nakasuot ng mga helmet at kapwa armado ng short firearms.
Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat na ang mga biktima ay sakay ng kanilang closed van delivery service at habang binabagtas ang farm to market road ay dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo ang humarang sa kanilang daraanan.
Pinatigil ng mga pinaghihinalaan ang closed van at habang tinututukan ng maigsing baril ang mga biktima ay nagdeklara ng hold-up.
Ang dalawang biktima ay iginapos habang sinira ang dash cam ng closed van bago tumakas sa hindi malamang direksiyon.
Nakuha sa mga biktima ang ang mahigit na Php5,000.00 at 2 mamahaling celphone.
Nagsasagawa na ng hot pursuit operation ang Gamu Police Station upang madakip ang mga suspect.