--Ads--

CAUAYAN CITY– Tatlo ang nasawi sa banggaan ng tricycle at pickup sa barangay Alibadabad, San Mariano, Isabela.

Dead on arrival sa San Mariano Medical Hospital ang dalawang sakay ng tricycle na sina Jacqueline Merlin, 35 anyos at Chona Monasquil, 35 anyos habang ang tsuper ng ticycle na si Joel Merlin, pinsan ng mga biktima ay namatay habang dinadala sa isang pribadong pagamutan sa Cauayan City.

Ang tsuper ng pickup ay si Elmer Telan, 43 anyos at residente ng Minanga, San Mariano, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Jonathan Merlin, 35 anyos at mister ng isa sa mga biktima na si Jacqueline, sinabi niya na galing siya sa Bulacan dahil nagdeliver siya ng saging at nagpapasundo siya sa Benito Soliven, Isabela para makapunta sa last night ng kanilang pinsan.

--Ads--