CAUAYAN CITY– Nadakip ng Bambang Police station ang dalawang lalake dahil sa pag-iingat ng baril na walang sensiya sa isang lamayan sa Aliaga, Bambang, Nueva Vizcaya.
Ang mga nadakip ay sina Joseph Ombao, 37 anyos, tricycle driver at residente ng Banggot, Bambang, Nueva Vizcaya at Jaffy Bosadas, 36 anyos, laborer at residente ng Almaguer South, Bambang, Nueva Vizcaya.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Nerissa De Guzman, chief of operation ng Bambang Police Station sinabi niya na nagtungo sa isang lamayan sa barangay Aliaga ang mga suspek na nasa impluwensiya ng alak at nahulog ni Ombao ang magazine ng baril.
Sinita siya ni Julius Ladera na ikinagalit ng mga suspek at nauwi sa mainitang pagtatalo.
Inaresto ang suspek at nakuha sa kanilang pag-iingat ang isang Caliber 45, isang magazine at dalawang bala.