--Ads--

CAUAYAN CITY– Isa ang patay, isa ang sugatan matapos na barilin ng hindi pa natutukoy na pinaghihinalaan ang mag live-in partner na balut vendor sa Barangay Mapuroc, San Mateo,Isabela.

Ang mga biktima ay sina Jesus Antonio, 45 anyos, Balut Vendor at kinakasama nito na si Joan Memita, 47 anyos at kapwa residente ng naturang barangay.

Batay sa insiyal na pagsisisyasat ng San Mateo Police Station na kaninang madaling araw ng may kumatok umano sa tirahan ng mga biktima sa Barangay Mapuroc kung saan din sila nag aalaga ng itik.

Nagising si Antonio at binuksan ang pintuan ng bigla siyang barilin ng pinaghihinalaan.

--Ads--

Dahil sa pamamaril ay nagising rin si Memita subalit maging siya ay binaril ng suspek.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa leeg si Antonio na tumagos sa kaniyang likod sanhi upang agad itong bawian ng buhay habang nadala naman sa pagamutan si Ginang Memita.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang ginagawang pagsisiyasat ng pulisya para matukoy at matunton ang pinaghihinalaan na agad tumakas matapos ang pamamaril.