--Ads--

CAUAYAN CITY– Sasampahan ng kasong frustrated homicide ang isang guwardiya na bumaril sa di umanoy fixer ng Land Transportation Office (LTO) Cabagan District Office sa Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PMajor Rey Lopez, hepe ng Cabagan Police Station na ang biktima ay si Jayson Masanay, residente ng Fermeldy, Tumauini, Isabela habang ang pinaghihinalaan ay si Randy Remo na residente ng San Ignacio, City of Ilagan.

Aniya, bago nangyari ang pamamaril ay nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan ang biktima at pinaghihinalaan.

Hindi anya pinapapasok ang biktima sa tanggapan ng LTO dahil nakainom ng alak ngunit nagpumilit na pumasok sanhi para barilin ng guwardiya.

--Ads--

Nagtamo ng tama ng bala ng Caliber 9MM na baril sa pisngi ang biktima.

Sa ngayon ay hihintayin na lamang ng Cabagan Police Station ang mga kinakailangang dokumento para sa pagsasampa ng kaso.