--Ads--

CAUAYAN CITY– Sapat ang imbentaryo o buffer stock ng bigas ng National Food Authority o NFA region 2 para sa pamamahagi sa panahon ng emergency at kalamidad.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Manager Miguel Tecson ng NFA region 2, sinabi niya na ipinag-utos na rin niya ang pamamahagi ng one-time rice allowance sa mga kawani ng pamahalaan.

Ngayong panahon ng anihan ay sinisikap nilang makakabili ng sapat na imbentaryo sa presyong 19 pesos bawat kilo ng palay sa pamamagitan ng kanilang mobile procurement.

Nagpupunta sila sa mga malalayong lugar para bumili ng ani ng mga magsasaka at sila na rin ang nagpapatuyo ng nabiling wet palay.

--Ads--
Ang pahayag ni Regional Manager Miguel Tecson ng NFA region 2.