CAUAYAN CITY– Isinagawa ng iba’t ibang sektor sa Baggao, Cagayan ang isang condemnation rally bilang pagpapakita ng pagkondena sa Communist Party of the Philippines New Peoples Army at National Democratic front (CPP-NPA-NDF).
Bitbit ang mga plakard ay isinisigaw ng mga rayilista ang matinding pagkondena sa makakaliwang grupo kasabay ng pagdedeklara sa kanila bilang persona non-grata.
Matatandaan na nito lamang buwan ng Enero ay nagkaroon ng sunod sunod na sagupaan sa pagitan ng militar at mga miyembro ng NPA sa mga bayan ng Baggao , Sta. Terisita at Lallo sa Cagayan.
Ang naturang mga sagupaan ay nagresulta ng pagkakasawi nina Sisoy Andel alyas Joel at Paolo Santiago Macaraeg o alyas warren at pagkasugat ng iba pa kabilang si Orion Yoshida alyas Brown.