--Ads--

CAUAYAN CITY – Dinakip ng pulisya ang isang babae sa isinagawang drug buybust operation ng PNP sa Brgy. District 3, Cauayan City.

Matagumpay na nadakip ng Cauayan City Police Station ang ginang matapos itong magbenta ng ipinagbabawal na gamot sa pulis na nagpanggap na poseur buyer.

Ang pinaghihinalaan ay itinago sa alyas na Faith, apatnaput dalawang taong gulang, dalaga, walang trabaho at residente ng nabanggit na barangay at nasa street level individual list ng PDEA Region 2.

Ayon sa pulisya nakapagbenta ang suspek ng isang pakete ng shabu na may timbang na point 18 grams na nagkakahalaga ng 1200 pesos.

--Ads--

Matapos ang operasyon ay dinala na sa himpilan ng pulisya ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya para sa malalimang imbestigasyon at kaukulang disposisyon.