--Ads--

CAUAYAN CITY – Binigyang diin ng Santiago City Police Office na ginagawa nila ang patas na pagsisiyasat sa krimeng kinasangkutan ng retiradong Pulis.

Sa ngayon ay patuloy pa ring pinaghahanap ng Pulisya ang retiratong Pulis na bumaril-patay sa isang Barangay Lupon Member ng Nabbuan Santiago City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt. Col. Saturnino Soriano ang tagapagsalita ng Santiago City Police Office sinabi niya na kasalukuyan parin ang surveillance at monitoring sa supsek na si Danilo Buan na isang retiradong Police Major.

Aniya, handa na ang case folder at ihahain na ang kaso laban sa suspek under regular filling subalit kung madadakip na ito ay maaaring dadaan parin siya sa inquest proceeding.

--Ads--

Dagdag pa niya na matapos ang pamamaril sa tatlong biktima na ikinasawi ni Sonny julian Sr. ay agad  na tumakas si Buan ilang sandali matapos na pasukin ng SWAT team ang bahay nito.

Kung matatandaan ay matagal nang may hidwaan ang suspek at biktima at kamakailan lamang nagkaroon ng komprontasyon dahil sa pinag-aagawang patubig sa sakahan na nauwi sa pamamaril.

Sa ngayon ay iniimbestigahan na rin ng SOCO ang caliber 38 revolver na natagpuan malapit sa bangkay ng biktimang si Julian Sr.