--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakahanda na ang Department of Labor and Employment Region 2 para sa Job Fair na gaganapin sa Araw ng Kalayaan, bukas.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Job Fair Focal Person Jonnel Domingo ng DOLE Region 2, kanyang sinabi na nasa 2,196 na job vacancy ang available nasabing job fair bukas na gaganapin sa isang mall sa lungsod ng Tuguegarao.

Aniya maliban sa mga lokal na establisyimento ay mayroon ding mga employer na naghahanap ng mga gustong magtrabaho abroad.

Pinakamarami namang bukas sa industrya ng financial at retail gaya ng cashier, bagger at financial advisor.

--Ads--

Isa umano sa dahilan kaya’t malaki ang pangangailangan sa nasabing mga trabaho ay dahil maraming nagnenegosyo ng wholesale at retail sa lambak ng Cagayan.

Maliban sa Job Fair ay magkakaroon din ng government service caravan kasama ang iba pang government agencies at mayoon ding kadiwa ng pangulo.

Ayon kay Domingo, maliban sa job fair sa lungsod ng Tuguegarao, ang bawat provincial offices ng DOLE ay magkakaroon din ng kanya-kanyang aktibidad bukas para sa mga child laborers.