--Ads--

Nakatakdang magtanghal ang P-pop group na SB19 sa closing ceremony ng ika-49 na ASEAN Summit na ginaganap sa Pilipinas.

Ayon sa anunsyo ng Department of Tourism nitong Lunes, aawitin ng limang miyembro ng grupo ang “Together in Motion,” ang opisyal na theme song ng 2026 ASEAN Summit na kanilang ni-record.

Gaganapin ang pagtatanghal ngayong araw ng Martes, Nobyembre 17, at mapapanood din sa livestream sa opisyal na Facebook page ng ASEAN 2026 Philippines simula alas-5 ng hapon.

Ang SB19 ay nagsisilbi ring tourism ambassadors ng bansa.

--Ads--

Kasalukuyang ginaganap ang 49th ASEAN Summit sa Philippine International Convention Center at magtatapos sa Miyerkules, Nobyembre 18.