--Ads--
Muling sasalubungin ng mga motorista ang malaking bawas-presyo sa mga produktong petrolyo simula ngayong araw ng Martes, Nobyembre 17.
Ayon sa Department of Energy (DOE), ₱1.50 kada litro ang ibababa sa gasolina, ₱3.80 sa diesel at ₱5.80 naman sa kerosene.
Ikinatwiran ng DOE na bunsod ito ng paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado at mga kaganapan sa Middle East.
Matatandaang noong nakaraang linggo ay nagkaroon din ng malaking rollback na ₱16.80 sa gasolina, ₱4.10 sa diesel at ₱3.70 sa kerosene.
--Ads--











