CAUAYAN CITY- Sinunog ng isang lasing na lalaki ang sarili nilang bahay sa Brgy Lamo, Dupax Del Norte, Nueva Vizcaya
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Nueva Vizcaya Police Provincial Office kinilala ang suspek na si Emilio, 47-anyos, may kinakasama at residente ng parehong nabanggit na lugar.
Lumalabas sa paunang imbestigasyon ng pulisya na rumisponde ang pinagsanib na pwersa ng Dupax del Norte Police Station at BFP-Dupax Del Norte hinggil sa naitalang sunog.
Kaugnay dito na bago ang insidente ay nasa impluwensiya umano ng nakakalasing na inumin ang suspek at nagkaroon sila ng pagtatalo ng kanyang kinakasama.
Habang nasa kalagitnaan ng pagtatalo ay umawat ang nanay ng suspek na si Rosita at sinabihan ang anak na tumigil na ito.
Ngunit imbes na tumigil ay nagalit ang suspek saka siya umuwi sa kanilang bahay at dito na umano nito sinunong ang kanilang bahay na gawa sa light materials.
Dahil dito ay tinupok ng apoy ang bahay at ilang personal na gamit na nasa loob na umaabot sa mahigit kumulang labinlimang libong pisong halaga.
Naapula naman agad ang sunog at inahahanda na ang kasong isasampa sa suspek na umalis sa lugar ng pinagyarihan ng insidente matapos niyang ang pagnununog.