--Ads--

CAUAYAN CITY – Arestado ang isang babae na itinuturing na High Value Target sa ikinasang drug buybust operation ng PNP sa Barangay San Juan, Tabuk City, Kalinga.

Ang pinaghihinalaan ay isang tatlumput isang taong gulang na babae na residente ng Wagud, Pinukpuk, Kalinga at kasalukuyang nakatira sa Brgy. San Juan, Tabuk City.

Nakumpiska mula sa suspek ang dalawang piraso ng transparent plastic sachet na hinihinalang shabu na may timbang na 17.05 grams at tinatayang nagkakahalaga na P213,940, isang piraso ng 1,000 peso bill; dalawamput pitong piraso ng pekeng 1,000 peso bill na ginamit sa buybust money, isang digital weighing scale, isang android phone at isang bundle ng empty plastic sachet.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

--Ads--