--Ads--

CAUAYAN CITY – Magpapatupad ng traffic scheme ang Public Order and Safety Division o POSD para sa Licensure Examination for Teachers na gaganapin sa Lunsod bukas, araw ng Linggo.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay POSD Chief Pilarito Mallillin sinabi niya na naghahanda na sila para sa nalalapit na Licensure examination for Teachers o LET na gaganapin dito sa Lungsod ng Cauayan.

Aniya ang mga testing centers na pagdadausan ng pagsusulit ay ang Cauayan City National High School, Cauayan South Central School, at Cauayan North Central School.

Gaya ng dati ay magpapatupad sila ng traffic scheme bilang paghahanda sa posibleng p[agdagsa ng mga examinee sa Lunsod.

--Ads--

Paalala nila sa mga kukuha ng pagsusulit na hanggat maaari ay agahan na magtungo sa Lunsod para hindi makasabay sa dagsaan ng mga sasakyan lalo na para sa mga gagamit ng sarili nilang service o sasakyan.

Nagbabala din sila sa mga namamasadang tricycle na magbabalak na magdagdag ng sinmgil sa pamasahe o kaya naman ay mananamantala sa mga pasahero na sila ay kanilang papatawan ng parusa.