--Ads--

Nagpatupad ng taas presyo sa produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis ngayong alas sais ng umaga.

Ito na ang ikalawang sunod na linggong oil price hike ng mga kompanya ng langis.

Nitong Lunes nag-abiso ang Caltex, Cleanfuel, Jetti, Petro Gazz, Seaoil, at Shell na magtataas sila ng P1 and 20 centavos kada litro ng Diesel.

Ang Caltex, Seaoil, at Shell ay magtataas naman ng 70 centavos bawat litro ng Kerosene.

--Ads--

Inaasahan namang susunod din sa nasabing abiso ang iba pang kompanya ng langis.

Sinabi ng Department of Energy o DOE noong nakaraang linggo na nagpapatuloy ang pagtaas ng presyo ng langis sa world market dahil sa pangamba sa pagtaas ng tensyon sa Middle East.