CAUAYAN CITY- Nasawi ang dalawang katao habang sugatan ang ilang mga kabataan matapos silang pagbabarilin habang sa isang restobar sa Brgy. Villa Norte, Maddela, Quirino.
Sa ibinahaging impormasyon ng Quirino PPO, dalawa ang kumpirmadong nasawi sa naturang insidente na kinabibilangan nina Crisel P. Cayong, 26 anyos ; at Ej Rodriguez na parehong mga residente ng Brgy. Divisoria Sur, Maddela, Quirino.
Sugatan naman sa pamamaril sina Kesha, 19; June Dave, 26; Edward, 26; and Mike, 23.
na pawang mga residente rin ng bayan ng Maddela.
Sa pagtugon ng mga otoridad sa pamamagitan ng hot pursuit operation ng pinagsamang pangkat ng PNP Maddela, PNP Aglipay, 1st at 2ND Quirino Provincial Mobile Force Company (QPMFC), at Quirino Police Provincial Office (QPPO) ay matagumpay na naharang ang mga suspek na tinangkang tumakas sakay ng isang van sa Barangay sa Brgy. Palacian, Aglipay, Quirino.
Matagumpay na nakorner si Pat. Dave Macanas, nakatalaga sa RMFB-15, Police Regional Office Cordillera kasama sina “Alyas John”; “Alyas Fred”; “Alyas Allen”; “Alyas Manong”, lahat ay mula sa Itogon, Benguet, “Alyas Roel”; “Alyas Mike”; “Alyas Johnny”; “Alyas Rey”, pawang mula sa Maddela, Quirino; at “Alyas Freddie”, na isa namang residente ng Tukukan, Tinoc, Ifugao.
Samantala, nakatakas at nagtatago na sa ngayon si “Alyas Manny”, 23-anyos, residente ng Banaue, Ifugao.
Dinala na sa istasyon ng PNP Maddela ang mga suspek para sa kaukulang disposisyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.
Kasalukuyan din ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa dahilan at motibo ng krimen.