--Ads--
Pinaalalahanan ni International Criminal Court (ICC) Trial Chamber III Presiding Judge Joanna Korner si defense counsel Peter Haynes na kailangang personal na dumalo sa courtroom araw-araw si dating Pangulong Rodrigo Duterte kapag nagsimula na ang paglilitis sa Nobyembre 30.
Ayon kay Korner, may kapangyarihan ang Chamber na magbigay ng pansamantalang leave sa mga paunang proseso pero obligado ang patuloy na pisikal na presensiya ng akusado kapag pormal nang nagbukas ang trial.
“Once the actual trial starts, we will expect attendance on a daily basis,” diin ni Korner sa depensa.
Nahaharap si Duterte sa mga kasong crimes against humanity kaugnay ng war on drugs ng kanyang administrasyon.
--Ads--











