--Ads--

CAUAYAN CITY- Kinilala ng mga awtoridad ang dalawang suspek na sangkot sa pagbaril-patay sa isang salon owner sa Daproza Street, General Santos City.

Kinumpirma ni Pendatun Police Station Commander PCpt. Cyrus Vince Arro ang pagkakakilanlan ngunit hindi pa ito isinapubliko habang hinihintay ang karagdagang imbestigasyon at patuloy na hot pursuit operations.

Kinilala ang biktima na si Renante Tampus, 34 anyos, residente ng Uhaw, Brgy. Fatima, sa General Santos City.

Batay sa ulat ng pulisya, isang suspek ang pumasok sa salon, humugot ng baril, at binaril ang biktima.

--Ads--

Lumabas sa CCTV footage na maraming beses na pumasok at lumabas ng salon ang suspek, tila tinitiyak na matatamaan niya ang target.

Matapos ang pamamaril, tumakas ang gunman sa pinangyarihan sakay ng motorsiklo na minamaneho ng kasabwat na nagsilbing lookout.

Isinugod sa isang ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

Sa inisyal na imbestigasyon, personal na sama ng loob ang motibo sa pagpatay. Ibinunyag ng partner ng biktima