--Ads--

CAUAYAN CITY- Ginunita ngayong araw ng Municipal Environment and Natural Resources Office ng San Mateo Isabela ang International Day of Action for River.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay MENRO Officer Jonathan Niel Galapon, bilang bahagi ng programa ay nagsagawa sila ng clean up drive at tree planting activity sa magat riverbank na nasasakupan ng Barangay Old Centro Proper, San Mateo, Isabela.

Ang International Day of Action for River ay naglalayong maipagbigay alam sa taumbayan ang kahalagahan ng pag lilinis ng mga ilog.

Ayon sa Menro mahalagang mapulot ang lahat ng mga plastics na nagkalat sa ilog na labis na nakakapinsala sa mga isda dahil ang micro plastics ay may nakalalasong compound na maaaring makapinsala din sa kalusugan ng tao kung makakain ng kontaminadong isda.

--Ads--

Batay sa pag-aaral ang pag kunsumo ng mga isdang may micro plastic ay maaaring magdulot ng ilang karamdaman gaya ng sakit sa atay, problema sa reproductive system at iba pa.

Aniya para maiwasan ito, mahalaga ang tamang pangangalaga sa kapaligiran kaya naman maliban sa ilog, ay nag pulot din sila ng mga plastics sa gilid ng mga lansangan maging sa iba pang water ways.

Naging katuwang ng MENRO ang ilang opisyal ng Barangay at kandidata ng Binibining San Mateo.

May hiwalay na tree planting activity ring isinagawa kanina malapit sa water ways bilang pagtalima sa mandato na ibinigay ni Mayor Greg Pua sa MENRO para sa patuloy na pag-tatanim ng punong kahoy na siyang nakakatulong sa filtration ng hangin partikulkar ang carbon dioxide na nakakapinsala sa ozone layer.

Kung dati aniya ay naiinom pa ang tubig na direktang nanggagaling sa poso , ngayon ay hindi na lalo na sa populated areas dahil sa unti unting nakokontamina ang tubig dulot ng mga basura.

Maliban sa paglilinis ng hangin ay nakakatulong din ito para maiwasan ang nakamamatay na landslides at nagsisilbing tahanan ng mga endangered spicies gaya ng mga ibon at iba pa.

Sa ngayon ay unti-unti nang nawawala ang mga sako ng basurang itinatapon sa tabing ilog maliban na lamang sa mga naiiwang kalat ng mga mangingisda maging ang mga nag pipicnic.

Pakiusap niya na hanggat maaari ay huwag na mag iwan ng basura kung bibisita o mamamasyal sa ilog sa halip ay iuwi na lamang ito at ilagay sa kanilang material recovery facility o MRF sa kanilang Barangay.

Maliban sa ilog ay mayroon na ring mangilan-ngilan na nagtatapon ng basura sa mga bakanteng lote kaya naman puspusan ang ginagawa nilang pakikipag ugnayan sa mga residente para mabigyan sila ng tamang kaalaman kaugnay sa nararanasan nating ngayong epekto ng global warming.