--Ads--

Inaasahang mababayaran ng Pilipinas ang panibagong loan nito sa World Bank hanggang 2053 matapos na pumirma ang chief economic manager ng Administrasyong Marcos para sa kauna-unahang energy transition at climate resilience development policy loan o DPL ng pamahalaan.

Pumirma si Finance Secretary Ralph G. Recto ng loan agreement para makapaglabas ang Department of Finance (DOF) ng pondo mula sa $800 million sa financing nito tatlong buwan mula ngayon.

Inaprubahan ng World Bank ang DPL noong March 31, ang pinakahuli sa apat na loans ng Pilipinas sa nasabing buwan.

Batay sa kasunduan, ang bagong DPL ay gagamitin sa adoption ng clean energy technology projects, pagpapalakas sa kompetisyon sa electricity market at pagpapabuti ng mga water management projects ng bansa.

--Ads--

Magiging epektibo ang nasabing  loan hanggang June 2026 at babayaran ng bansa ng dalawang beses sa isang taon simula sa taong 2036 hanggang 2053.