--Ads--

CAUAYAN CITY- Nanatiling tahimik pa rin ang Bayan ng San Mateo sa kabila ng ilang sumbong na natatanggap ng Commsission on elections o COMELEC San Mateo kaugnay sa maling paglalagay ng election materials at pamamahagi ng goods.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Election Officer Jewel Darius Criz Pardines, sinabi niya na may mangilan-ngilan silang natatanggap na sumbong via text message at tawag kaugnay sa maling paglalagay ng tarpaulins at pamamahagi ng goods na isang uri ng pamimili ng boto na kasalukuyan na nilang bineberepika.

Sa kabila ng mga sumbong ay wala pang naghain ng pormal na reklamo laban sa mga kandidatong nababanggit na lumalabag.

Paalala ng Comelec San Mateo anumang ayuda na ipapamahagi ay maaari namang ibigay pagkatapos ng halalan at hindi ngayong election period.

--Ads--