--Ads--

CAUAYAN CITY- Pinasok ng mga hindi pa matukoy na suspek ang storage area ng tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa San Agustin, Isabela kung saan nakalagay ang ilang mga election materials na gagamitin sa halalan sa Mayo 12.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Manuel Castillo, Provincial Election Supervisor ng Comelec Isabela, sinabi niya na batay sa ulat ng Election Officer ng bayan ng San Agustin ay mayroon umanong nasira na mga election boxes.

Dahil dito ay nag-request na umano sila na kung maaari ay buksan ang mga naka-seal na Election Paraphernalia pangunahin na ang mga laptops para sa inventory upang makita kung mayroon bang nawawala upang magawan agad ng paaraan.

May mga contingency items naman aniya sa tanggapan ng Provincial Comelec kaya agad na mapapalitan ang mga kagamitan na nasira.

--Ads--

Matapos ang gagawin nilang inventory ngayong araw ay muling isi-seal ang mga kagamitan at pipirmahan ng mga kandidato.