--Ads--

CAUAYAN CITY- Tiniyak ang Comelec San Agustin ang seguridad ng bodega kung saan naroon ang consolidation and canvassing system.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Election Officer Erica Jane Pay Ong, sinabi niya na siniguro ni Comelec Provincial Supervisor Atty. Manuel Castillo na walang dapat ikabahala ang mga political parties and candidates matapos mapabalita ang pagpasok ng mga hindi pa kilalang suspect sa bodega kung nasaan ang CCS.

Matatandaan na pinangunahan ni Atty. Castillo ang joint inspection kasama ang lahat ng kandidato at representative para sa public viewing.

Nakita na kahit na punit ang paper seal ay hindi kayang mailabas ang laman nito.

--Ads--

Personal na ipinakita ni Atty. Castillo sa mga kandidato at reprersentative na 100 percent na walang aberyang mangyayari sa araw ng halalan.

Samantala, Nakahanda na rin ang Comelec San Agustin para sa hahalan.

Ayon kay Election Officer Pay Ong noong nakaraang Linggo ay walang naging problema sa Final Testing and Sealing sa lahat ng mga deployed Automated Counting Machines o ACM sa lahat ng mga Barangay sa naturang Bayan.