--Ads--

CAUAYAN CITY- Nilinaw ng pamunuan ng Diamantina, Cabatuan, Isabela na tanging putok lamang ng baril ang narinig ng ilang mga residente sa naturang barangay at walang nakakita sa sinumang may gawa nito.

Ito ay matapos bulabugin ng ilang putok ng baril ang ilang mga residente sa Diamantina kahapon ng madaling araw kung saan may na-recover ang mga kapulisan na pitong fired catridge cases ng 5.56mm caliber na baril.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Punong Barangay Arthur Arquero ng Diamantina, Cabatuan, Isabela, sinabi niya na mayroong mga Tanod na nagro-ronda nang mangyari ang insidente ngunit wala umanong nakakita kung sino ang nagpaputok.

Sa kabila ng nangyari ay hindi naman umano ito nagdulot ng anumang pagka-antala sa halalan dahil marami pa rin ang nagtungo sa polling center ngayong araw para bumoto.

--Ads--

Nanawagan naman si Punong Barangay Arquero ng maayos at patas na halalan.