--Ads--

Dalawang katao ang nasawi habang pito pa ang nasugatan sa isang insidente ng pamamaril sa Silay City, Negros Occidental sa mismong araw ng halalan.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang pamamaril bandang alas-7 ng umaga sa harap ng isang bahay na ginagamit bilang headquarters ng Team Asenso Silay sa Barangay Mambulac.

Bigla umanong pinaputukan ng mga suspek ang mga biktima habang nasa labas sila ng nasabing lugar.

Kinilala ni Silay City Mayor Joedith Gallego ang mga biktima bilang kanyang mga campaign volunteers.

--Ads--

Batay sa pahayag ng isa sa mga nasugatang biktima, natukoy ng mga imbestigador ang tatlong suspek, kabilang ang isang barangay kapitan.

Agad namang nagsagawa ng hot pursuit operation ang pulisya at nagtayo ng mga checkpoint.Tiniyak naman sa publiko na kontrolado nila ang sitwasyon.