--Ads--

Inabswelto ng Special General Court Martial ang dating commander ng Presidential Security Group (PSG) ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng pagpatay sa negosyante at modelong si Yvonette Chua Plaza noong 2022.

Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col. Louie Dema-ala, iginagalang ng Philippine Army ang desisyong inilabas ng korte militar na nag-acquit kay Maj. Gen. Jesus Durante III at apat na iba pa. Samantala, tatlo ang napatunayang nagkasala, kabilang sina Sgt. Delfin Sialsa Jr. at Cpl. Adrian Cachero, na kinilalang mga gunman sa krimen.

Binigyang-diin ni Dema-ala na ang naging proseso ay nagpapakita ng matibay na paninindigan ng institusyon sa patas na pagpapatupad ng batas, makatarungang paglilitis, at paggalang sa due process.

Matatandaan na binaril si Plaza ng riding-in-tandem sa labas ng kanyang bahay sa Davao City at nadawit sa krimen si Gen. Durante, na noon ay commander ng 1001st Infantry Brigade bilang isa umano sa mga utak ng nasabing krimen.

--Ads--