Nagbabala ang Commission on Elections (COMELEC) Santiago City laban sa dobleng pagpaparehistro bilang botante na maaaring magresulta sa kasong election offense sa ilalim ng Republic Act 8189.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Jenny May Gutierrez, Election Officer IV ng COMELEC Santiago City, hinimok ang mga residente na maging tapat sa kanilang registration status, lalo na kung maglilipat ng voter registration record mula sa ibang lugar.
Ayon kay Atty. Gutierrez, ginagamit ng COMELEC ang Automated Fingerprint Identification System (AFIS) upang matukoy ang mga posibleng duplicate registration sa pamamagitan ng fingerprint biometrics.
Gayunman, nilinaw na hindi awtomatikong nangangahulugan ng paglabag ang magkaparehong fingerprint record, dahil kinakailangan pa itong beripikahin at mapatunayan.











