--Ads--

Mas malakas at mas marami ang missiles na pinakawalan ng Iran laban sa Israel kumpara sa mga nakaraang pag-atake.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Liezel Miras, ilang beses silang nagkubli sa bomb shelter matapos makatanggap ng babala mula sa Home Front Command Centers. May mga pagkakataong hindi pa sila nakakalabas ay may panibagong rocket na paparating.

Kagabi, limang rocket ang hindi nasalag ng Israel at tumama sa Tel Aviv, dahilan ng pagkasugat ng limang katao.

Samantala, nakikipag-ugnayan na ang Embahada ng Pilipinas sa Israel.

--Ads--

Sa ngayon bahagyang kumalma ang sitwasyon sa Israel matapos ang matinding pag-atake nito laban sa Iran.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Trooper Mariano, gumamit ang Israel ng undetectable flying objects na may missiles upang atakihin ang Iran.

Ito na rin ang pinakamatinding pag-atake ng Iran, kung saan maraming military bases ang tinamaan.

Bagama’t handa ang Israel sa ganitong sitwasyon at karamihan ng missiles ay na-intercept, may limang rocket ang hindi naharang.

Bago pa man dumating ang mga missile mula sa Iran, isinara ang lahat ng pampublikong lugar upang protektahan ang mga sibilyan.

Sa ngayon, naghahanda ang Israel na pigilan ang nuclear facility ng Iran, dahil naniniwala silang maaaring gamitin ito laban sa kanila.

Samantala, Bagama’t hindi target ng Iran, dumadaan sa himpapawid ng Jordan ang mga missiles patungong Israel.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Marjorie Mangantulao, patuloy ang pagpapatunog ng sirena ng pamahalaan bilang babala sa publiko.

May mga debris ng missile na nahuhulog sa Jordan tuwing ini-intercept ng Israel ang rockets mula sa Iran.

Tiniyak ng Pamunuan ng Jordan na hindi nila hahayaang maging battleground ang kanilang bansa.

Gayunman, nananatili ang takot ng mga residente sakaling magkamali ng tansiya ang Iran at bumagsak ang missile sa kanilang teritoryo.